- Голоса:
- Смотри также:
Repablikan - Текст песни Kulang Na Kulang Ba
Intro
 (Verse 1):
 Nung minahal kita alam mo kung gaano to kawagas
 Nang magtanong mga dasal ngunit pano to nagwakas
 Bigla na lang di nagpakita saan ka ba nagpunta?
 May nagsabi sakin sa cebu ay nandoon ka
 Bakit hindi ka nagpaalam?
 Ano ba ang aking nagawat biglang iniwan
 Ang akiy pusong nagdurugo dahil sayo
 Hindi ko malaman kung bakit nagkaganito
 Inibig kita ng tapat ang lahat naman ay ginawa
 Ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit ba bigla ka na lang nawala
 Biglang pumatak sa pag iyak ang aking luha
 Na hindi na matiyak kung makukuha ko pa bang makapangiti
 Sabihin mo kulang pa ba ang mga sandali
 Ikay kasama habang kayakap sa magdamag
 Ngayon iniwan mo akong nag iisa
 Chorus:
 Kulang na kulang ba
 Hindi pa ba sapat inubos kong lahat panahon ko sayo
 Anong gagawin di mo pinapansin hetong damdamin
 Aking paglalambing
 (Verse 2):
 Salubong na naman ang kilay mo ano ba na naman nagawa ko
 Lahat naman ng pinangako ko sayo ay nagawa ko
 Dahil ayoko na magalit ka at akoy bitawan
 Ng mga salita na masakit pagkatapos babasagan
 Pakinggan mo naman sasabihin ko wag mo kong sabayan
 Kung ganyan ka ng ganyan sakin pano ko sisimulan
 Pano mo maiintindihan kung palagi ka nalang mainit
 Minura mo na at nakapanakit tapos sasabayan pa ng lait
 Oo may kulang ako hindi ba pwede ka magpasensya
 Sa ginagawa mo saking hindi ka pa ba nakonsensya
 Puro pasa na ang inabot ko siguro mga trenta
 Pano ako makakapalag kung may nakatutok na lanseta
 Grabe ka... mahal ba talaga ang turing mo sakin
 Bat pag nagagalit ka muka ko gusto mong wasakin
 Kung alam ko lang ang buhay ko sayoy parang sinumpa
 Edi sana nag aral na ako ng boxing noon pa
(Repeat chorus)Repablikan - Kulang Na Kulang Ba - http://ru.motolyrics.com/repablikan/kulang-na-kulang-ba-lyrics.html
(Last verse):
 Bakit ba hanggang ngayon ay nasa isip pa kita
 Kahit na ikaw mahal ay di ko na nakikita
 Nang magising ako na wala ka na sa 'king tabi
 Halos di na ko makatulog tuwing sasapit ang gabi
 Tila wala na kong silbi nang simula kang mawala
 Wala na rin akong pangarap at palaging tulala
 At ngumiti man ako'y laging may kahalong pighati
 Ano ba aking kasalanan bakit ba 'ko nasawi
 Sa pag-ibig na inakala ko magiging maligaya
 Pagsasama natin ngunit mahal bakit nawala ka
 Sa piling ko at ang puso ko ay iyong sinugatan
 Iniwan mo man ako ay di ka makalimutan
 Di ko na rin magawa na magmahal pa ng iba
 Dahil sa puso ko sinta ikaw lamang nagiisa
 Ikaw ang una at huli yan ang aking pinangako
 At kahit kailanman pag-ibig ko'y di maglalaho
Coda:
 Ginagawa ko naman ang lahat
 Upang malaman mong ako'y tapat
 Tunay bang karapat-dapat sa isa't isa
 Ngunit bakit ba ngayon ika'y ibang-iba... 
 Umaasa
 Kahit ang puso'y nagdurusa
 Tila ba ang mundo ko'y puro parusa
 Ngayon nag-iisa walang kasama
 At ang mga pangako mo ngayon ay nasaan na
 Di na mabilang ang mga luha na ipinatak sa lupa
 At ang pag-ibig na inaasam ay hindi ko na makuha
 Ngunit bakit ganito na lang ang pag-ibig ko sayo
 Ginagawa ko naman ang lahat ngunit ako'y niloko mo
 Nasan na ba ang mga salita na noon ay tayo pa
 Tunay bang tinalikuran mo na ang pag-ibig sa iyo sinta
 Walang iba... 
 Alam mo namang ika'y mahal
 Akala ko pa naman na tayong dalawa ay magtatagal
(Repeat chorus 2x)










