Gary Granada

Текст песни Nakikita Mo

Nakikita Mo видео клип

Gary Granada
Обзор
No cover
АЛЬБОМ
Голоса:
0
Смотри также:
Неверный текст?

Gary Granada - Текст песни Nakikita Mo

Kagaya ng isang dula
Minsang ito'y umpisahan
Kung paanong mayrong simula
Ay mayron ding katapusan
Ang awit mang naririnig
Larawan bang namamasdan
Lahat ng bagay sa daigdig
Mayrong hangganan

Pangako ay naiiga
Huwag lang mangusap ng tapos
Dahil tayo'y nag-iiba
Lahat ng tao ay kapos
Kanikaniya tayong antas
Ngunit katulad ng hagdan
Kahit gaano kataas
Ay may hangganan

Ang iyong lakas ay may humpay
Huhulaw bawat halakhak
Sa salawahang tagumpay
Huhupa rin ang palakpak
Bakit ka ba patatangayGary Granada - Nakikita Mo - http://ru.motolyrics.com/gary-granada/nakikita-mo-lyrics.html
Patutuksong pag-abalhan
Ang bukas na hinihintay
Baka nga di mo pa datnan

Hangga't di mo natagpuan
Ang puno't dulo ng buhay
Lahat ay masasayang lang
Mawawalan din ng saysay
Hanapin mo ang Maylikha
Dahil siya ang kahulugan
Nagwikang siya ang simula
At ang hangganan

Ang iyong lakas ay may humpay...

Hangga't di mo natagpuan
Ang puno't dulo ng buhay
Lahat ay masasayang lang
Mawawalan din ng saysay
Hanapin mo ang Maykatha
At naroon ang kabuluhan
Nagwikang siya ang simula
At ang hangganan

Оставить комментарий

Что вы думаете о песне "Nakikita Mo"? Напишите ваш комментарий.

Тексты песен альбома "Other Songs A - U"

Рекомендуемые песни