Gary Granada

Текст песни Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo видео клип

Gary Granada
Обзор
No cover
АЛЬБОМ
Голоса:
0
Смотри также:
Неверный текст?

Gary Granada - Текст песни Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyakGary Granada - Kapag Sinabi Ko Sa Iyo - http://ru.motolyrics.com/gary-granada/kapag-sinabi-ko-sa-iyo-lyrics.html
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo

Оставить комментарий

Что вы думаете о песне "Kapag Sinabi Ko Sa Iyo"? Напишите ваш комментарий.

Тексты песен альбома "Samut Saring"

Рекомендуемые песни