Florante

Текст песни buhay amerika

buhay amerika видео клип

Florante
Обзор
Голоса:
0
Смотри также:
Неверный текст?

Переводы песни buhay amerika:

английский

Florante - Текст песни buhay amerika

Kung lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala, kung Sabado habang nagpapahingay naglalaba. at kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa ng kung ano-ano basta alam na kikita. Sa dami ng mga binabayarang hulugan hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan. Bagay na totoo at hindi kataka-taka, marami ang ganyan ang buhay sa Amerika. O ang buhay sa Amerika, hindi laging langit at hindi laging masaya lalo na kung malayo sa iyong minamahal oras, araw, buwan, taon ay parang mabagal. O ang buhay sa Amerika, hindi laging langit at hindi laging sagana kaya doon sa nangangarap na dito tumira isa, dalawa, tatlong beses na mag-isip muna. Ditoy pauutangin ka hanggang sa mabaon, susubsob ka sa hanapbuhay para umahon. Inaasahang suweldo kahit gaano kataas lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas. Ditoy marami rin nagtatagot tumatakbo dahil sa ang papel nilay hindi pa kumpleto. Mayrong napipilitang sa kanoy magpakasal maging legal lamang kahit na yung kanoy bungal. O ang buhay sa Amerika, minsan ay malungkot, minsan ay katawa-tawa At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin, kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin. O ang buhay sa Amerika, hindi laging langit at hindi laging maganda. Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian. Bayan kong Pilipinas tayoy kanyang tatanggapin kahit anong oras.Florante - buhay amerika - http://ru.motolyrics.com/florante/buhay-amerika-lyrics.html

Оставить комментарий

Что вы думаете о песне "buhay amerika"? Напишите ваш комментарий.

Рекомендуемые песни