- Голоса:
Arca - Текст песни Kasagutan
Sa bawat katanungan... may posibleng kasagutan... 
 Ngunit may inaakalang kasagutan... 
 Na hindi mo dapat kapitan... 
 [Verse 1]
 Maraming klase ng droga
 Na pilit na inaabuso
 At marami ang tao
 Pilit nais dito'y matuto
 At walang sinasanto
 Banyaga man o pilipino
 Lantaran o patago
 Bentahan dito'y malago
 Talamak san mang lugar
 Walang huli kahit bulgar
 Protektado ng iilan
 Kase bulsa nalalagyan
 Gumugulong na kalakaran
 Mahirap ba mapigilan
 Mahirap man o mayaman
 Patuloy pinipilahan
 Di na nila alintana
 Sila man ay mag-kasala
 Mapariwara, masira
 Panlaman na ng sikmura
 Ito ba ang pambubuhay
 At piniling hanapbuhay
 Pati rin ba sa pamilya
 Ito pa ang papamana?
 Magulo na ang mundo
 Lumaban wag magpabuyo
 Sa tawag nitong demonyo
 Ang bato damo delubyo
 Mapanira to sa ulo
 Taliwas sa lumikha
 Iwasan nating manira
 Maging layuning gumawa... 
 Ang inakalang kasagutan
 Huhukay ng 'yong libingan
 Yang napili mong kapitan
 Inaanay marupok
 Sa kumunoy na tinapakan
 Umahon ka kaibigan
 'Bang may oras pagisipan
 Mamulat sa katotohanan... 
 [2x]
 [Chorus]
 Marami mang katanungan
 Na pilit na bumabalot
 Sa 'yong isipan pare... 
 Di droga ang kasagutan
 Hindi malulutas ang problema
 Ng isa pang problema
 Pare makineg at
 Wag lang yan ang 'yong sandigan... 
 [2x]
 [Verse 1]
 Sa bisyo mong pinasok
 Ika'y naging talamak
 Hanggang sa dumating
 Ang buhay mo ay napahamak
 Kailan ba magbabago
 Ang buhay mong tinatahak
 Gusto mo bang tawaging
 Salot ka na sa lipunan
 Bakit ba hindi na lang
 Trabaho unang pagtuunan
 Ito ay simpleng awit
 Na sa droga'y nalululong
 Na dinaan ko sa tula
 Sa kabataan makatulong
 Maibangon maiahaon
 [ Find more Lyrics on ]
 Sa pagkakalugmok
 Ang ilan sa kabataan
 Na nagiging mapusok
 Nagagawang magnakaw
 Makatikim lamang ng droga
 At di nila alam
 Nakakasira ng sistema
 Hindi lang sa sarile
 Pati na rin sa pamilyaArca - Kasagutan - http://ru.motolyrics.com/arca/kasagutan-lyrics.html
 Kaibigan di pahuli makawala
 Sa kadenang nakagapos
 Huwag mo na hayaan isang iglap
 Buhay mo'y matapos
 Manalangin sa may kapal
 At di ka n'ya pababayaan
 Darating ang bukas mo
 Na may liwanag sa karimlan... 
 Ang inakalang kasagutan
 Huhukay ng 'yong libingan
 Yang napili mong kapitan
 Inaanay marupok
 Sa kumunoy na tinapakan
 Umahon ka kaibigan
 'Bang may oras pagisipan
 Mamulat sa katotohanan... 
 [2x]
 [Chorus]
 Marami mang katanungan
 Na pilit na bumabalot
 Sa 'yong isipan pare... 
 Di droga ang kasagutan
 Hindi malulutas ang problema
 Ng isa pang problema
 Pare makineg at
 Wag lang yan ang 'yong sandigan... 
 [2x]
 [Verse 3]
 Marami na'kong nakilala
 Bisyo ang naging sandigan
 Pero nasaan sila ngayon
 Lugmok sa kadiliman
 Yung ilan sa may piitan
 Bumigay na ang isipan
 Yan ba ang iyong katwiran
 At sagot sa katanungan
 Masakit man 'tong isipin
 Na ika'y nag-paalipin
 Sa kapiraso ng bato
 Kaluluway binenta mo
 Utak tuyo't parang damo
 Mapusok na parang isang aso
 Isa ba sa mga plano
 Lumayo sa'yo ang tao
 D'yan ka ba napapanatag
 'Pag wala kang maaninag
 Ang kaibigan na tinuring mo
 Palaging naandyan sa'yo
 Iiwan ko tanong sa'yo
 Lunas na ba problema mo?
 Masdan mo ang sarile mo
 Kilala mo pa ba ito?
 Masdan mo magulang mo
 Lumuha ng dahil sayo
 Kailan nyo pa matatanto?
 Pag-nilalangaw na kayo?
 Halika kaibigan
 Baguhin ang kapalaran
 Tawagin kanyang pangalan
 Bago pa mapagiwanan... 
 Ang inakalang kasagutan
 Huhukay ng 'yong libingan
 Yang napili mong kapitan
 Inaanay marupok
 Sa kumunoy na tinapakan
 Umahon ka kaibigan
 'Bang may oras pagisipan
 Mamulat sa katotohanan... 
 [2x]
 [Chorus]
 Marami mang katanungan
 Na pilit na bumabalot
 Sa 'yong isipan pare... 
 Di droga ang kasagutan
 Hindi malulutas ang problema
 Ng isa pang problema
 Pare makineg at
 Wag lang yan ang 'yong sandigan... 
 [2x]















