- Голоса:
- Смотри также:
Asin - Текст песни Monumento
Ang bundok namin ay walang kapunu-puno
Milyun-milyon ang taong nagtayo nito
Bawat dekada, pataas nang pataas
Monumento ng mga dumi at kalat
Woh hoh
Akyat-panaog mga tuta't mga tao
Araw-gabi ang hanapbuhay dito
Sinusuyod, hinukukay ang pwedeng makuha
Ibebenta o pagkain sa umaga
Woh hoh
CHORUS 1
May bote, may bakal
May plastik, may adik
Sa bundok namin
May pagpag, may laglag
May baliktad, may bayad
Ang bundok naminAsin - Monumento - http://ru.motolyrics.com/asin/monumento-lyrics.html
Woh hoh wowoh
Woh hoh wowoh
Madalas masunog ang aming bundok
Magdamag na kumot, makapal na usok
Panganib ang tuluy-tuloy na pag-ulan
May nababaon, may nadadaganan
CHORUS 2
May langit itong gusto
Kung mayro'n lang ibang tao
May alam ba kayo
Bumabalik, bumubuhay
Ikaw naman ang naghukay
Sa bundok namin
[Repeat CHORUS 1]
Woh hoh wowoh
Woh hoh wowoh